Sunday, July 29, 2012

Buhay Dorm.

("Home is Where the Heart Is")

Ako ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Manila. Kailangan akong manirahan sa isang dormitory dahil sadyang napakalayo ng Tarlac sa Manila. Sobrang  hirap ang manirahan sa isang dorm. Mapapalayo ka sa pamilya mo. Kailangan mong maging independent. Halimbawa nalang nito ay kailangan mong matuto ng gawiing bahay dahil wala ka naman aasahang iba kung hindi ang sarili mo lang. Ito yung naging "training ground" ko para maging isang independent na tao. Hindi lang yan, kailangan mo din na matutong makisama at pakisamahan ang magiging mga roommates mo. Sadyang napakarami mong magiging problema kapag ikaw ay nanirahan malayo sa iyong pamilya. Ako kasi sobrang close ko sa family ko lalo na sa mama ko kaya siguro malaki ang pag-aadjust ko nung ako'y nagsisimula pa lang. Akala ko nung una ay magiging madali lang ang lahat. Sabi ko pa nga nung una, "Hindi muna ako uuwi, siguro one month muna akong mag-stastay." Ngunit kinain ko mga katagang binitawan ko. One day palang ata ako sa manila, sobrang na-home sick na ako. May oras pa na gusto ko ng umuwi. Kaya naman makalipas ang one week stay ko sa manila, umuwi na ako agad. Hanggang ngayon ay ganun pa din ang gawiin ko. Every week talaga akong umuuwi kahit anong mangyari. Hindi makukumpleto yung linggo ko kapag di ako umuuwi. Naalala ko pa nun kahit may NSTP ako uuwi pa din ako. Kahit wala akong 24 hours sa Tarlac umuuwi ako. May oras din na kahit 7am ang klase ko ng monday, monday pa din ako luluwas pabalik ng manila. Siguro 3am palang kailangang kong mag-biyahe para umabot sa klase ko. Sabi nga ng Lady Antebellum "Home is where the heart is"Sobrang saya ko kapag uumuwi ako kahit sabi ng iba ay nakakapagod. 

Isa sa mga nararansan kong problema sa manila ay ang pagkain. Ang lagi kong tanong, "Anong kakainin ko?" "Saan ako kakain?". Ang hirap mag-isip kung ano o saan ako kakain. Araw araw ko itong problema. Siguro ay naubos ko na lahat ng pagpipilian sa apat na corners ng UST. Paulit ulit minsan yung kinakain ko dahil sobrang wala na akong maisip na kainin o kainan. Halos nung una laging fast food. (Mcdo, KFC, Chowking, Mang Inasal) Eto yung mga madalas kong kainan kapag no choice na talaga. Pero nung tumagal na, carinderia na. Pero syempre paulit ulit lang minsan yung tinitinda sa mga carinderia. Kaya iba pa din talaga ang lutong bahay. Kaya kapag umuuwi ako sobrang saya ko kapag nakakatikim ako ng mga lutong bahay. Pero sa ngayon, nagbabaon naman ako ng lutong bahay pero syempre pang ilang araw lang ang mga iyon. Kaya major problem talaga ang pagkain kapag ikaw ay nag-dodorm. Mahilig pa naman ako sa mga pagkain. Mabilis kasi ako magutom.

Pera. Eto din ay isa sa mga problema na aking nararanasan. Sadyang malaki rin ang naitulong ng pagtira ko sa dorm sa pag-bubuget ng pera. Natuto akong mag-buget ng pera. Pero kapag pagkain talaga hindi ko tinitipid ang sarili ko. Kapag ako'y nagugutom bibili ako ng pagkain or magluluto minsan. Sobrang kailangan mong ibudget yung pera. Hindi ka pwedeng bili ng bili ng kung ano ano dapat kung ano yung kailangan lang para ikaw ay makaipon.

Marami akong mga kakilala o kaklase na gustong gustong mag-dorm. Di ko alam kung bakit. Siguro para malapit sila sa school. Hindi na kailangan gumising ng sobrang aga para mag-ayos sa school. Yun naman ang advantage ng nakatira sa dorm. Malapit lang sa school, hindi na kailangang mag-biyahe, walking distance lang. Pero kung ako lang talaga ayoko mag-dorm. Kung pwede lang mag-biyahe ng Tarlac-Manila araw-araw gagawin ko. Hahaha. Pero ganun talaga, may mga bagay na kailangan mong mag-sacrifice. Nagpapasalamat naman ako dahil meron akong mga naging kaibigan na nag-papawala minsan ng home sick ko. Masaya din ako dahil sobrang close din namin ng mga roommates ko. Na minsan parang bahay mo na yung dorm. Feel at home na ganun. Tatlong taon ba naman kaming magkakasama pero minsan syempre di maiiwasan ang mga di pagkakaintindihan ng bawat isa.

No comments:

Post a Comment