Thursday, August 9, 2012

Isang Trahedya.

Ilang linggo ng hindi maganda ang lagay ng panahon sa kamaynilaan pati na rin sa iba't iba parte ng Pilipinas. Ilang beses na din nasusupendido ang mga klase dahil nga sa mga bagyo na dumarating. Ngunit isang malaking trahedya ang nangyari sa linggong ito. Isang nakakapangilabot na kaganapan. 


Noong Linggo ng gabi, ika-5 ng Agosto ay nagkaroon na ng napakalakas na ulan. Kaya akala ko ay mawawalan na ng klase. Nasa probinsya ako ng mga panahon na ito. Kaya naman pagising ko ng Lunes ng maaga, tinignan ko na sa balita, twitter at nagtanong tanong sa mga kaklase kung may pasok ba at ang sabi naman nila ay mayroon daw klase kahit na napakalakas na ng ulan. Kaya naman nagmadali ako at lumuwas na agad ng maynila para pumasok. Nang makasakay ako ng bus papuntang maynila, biglang may nag-text sa akin na suspended na daw ang mga klase sa UST pero syempre wala na akong magagawa, paluwas na ako e. Naiisip ko nalang na mag-aaral ako pagdating ko ng dorm at mag-papahinga dahil itong linggong ito ay ang aming prelim week. Pagdating ko ng dorm, syempre nagkatuwaan na kasi walang klase kaya naman nag-kayayaan na pumunta ng trinoma para manood ng “Step Up Revolution”. Akala naming ng mga gabing iyon ay normal lang ang ulan dahil nga rainy season kaya “go” pa din kami. Ilang oras siguro ang naging biyahe namin papuntang trinoma. 30 minutes lang naman ang normal na biyahe dun, kami siguro ay umabot ng isa’t kalahating oras o mahigit pa dahil nga sa traffic at ulan. At hindi lang pala ulan habang kami ay nag-biyabiyahe ay may mga baha na sa aming dinadaanan at kami ay natatakot na. Pero wala naman kaming magagawa kasi papunta na kami. Ayun nga late na kami nakarating sa trinoma pero naiisipan pa din naming manood kasi sayang naman yung punta. Pagkatapos naming manood, oras na para kami ay umuwi. Bigla paglabas namin nabigla kami sa aming nakita. Hindi na gumagalawa ang mga sasakyan dahil baha baha na, sobrang lakas ng ulan. Pero syempre sa mga ganitong sitwasyon dapat hindi mag-panic kaya nag-hanap na kami ng masasakyan pauwi at pagkatapos ng ilang oras ng paghahanap ay nakasakay na kami. Napag-isip isip naming na, Nood nood pa tayo ng sine ganito na pala sitwasyon sa labas. Syempre kahit nasa ganoon na kaming sitwasyon nagagawa pa din naming tumawa. Pinoy kami e. Habang nasa biyahe na kami pauwi akala namin makakauwi na kami ng maayos. Pero hindi namin inaasahan na ang taas na ng baha sa españa at hindi na kayang ilusob yung taxi na aming sinasakyan kaya naman naghanap na ng ibang daan yung taxi driver at sa kakaikot ikot namin wala na talagang madaan dahil baha na halos ang paligid. Hanggang sa kailangan nanamin bumaba sa may lacson ata yun o nagtahan. Sobrang layo pa namin sa aming dorm. Kaya naghanap hanap kami ng tricycle at pedicab. Sobrang natatakot na ako nung mga oras na yun. Iniisip ko baka hindi kami makauwi. Hindi kami makahanap ng pedicab at kami ay mastranded pero sa awa ng diyos kami ay nakahanap. At habang papunta na kami sa dorm sobrang basa basa na kami sa loob ng pedicab dahil nga sobrang taas na nung paha pinapasok na yung loob. Pero ayun nga tawa pa din kami ng tawa dahil first time namin naexperience na lusubin ang baha. Nung malapit na kami sa dorm namin sa may 7 eleven sa eloisa street bumaba na kami tapos sobrang gulat talaga namin kasi hanggang tuhod na yung baha sa papasok sa kanto sa dorm namin. Hindi namin alam gagawin namin kung lulusong ba kami or what. Pero buti nalang may dumating 4x4 na pick up at sinakay kami sa likod. Sobrang pasasalamat namin sa kanila kasi tinulungan nila kami. Syempre nakakatakot lumusob sa baha baka magkasakit at makuryente. Meron pa ngang nabalita na may ahas daw sa baha e. Thank you Lord kasi nakarating naman kami ng maayos sa dorm. Maaga na din kinansela ang klase kinabukasan dahil nga sa baha. At sa wakas naka-pagsleepover na ang aking classmate forever na si Clarissa Asilo pero ang akala naming lahat ay magiging maayos na ang panahon kinabukasan. Lahat ng akala namin ay hindi nag-kakatotoo. Sobrang hindi namin inaasahan ang mga pangyayari. 


STRANDED

* Day 1: Trinoma Adventure with Team 4C (Aug 6, 2012 -Monday)
Dinner at Gerry's Grill Trinoma
The 4x4 Pick up who helped us.
 
Flood in España. 
Wet Look.
Midnight Snacks.


Kinabukasan, ika-7 ng agosto (martes) pagkatapos ng trinoma adventure namin ay nagulat kaming lahat dahil pagising namin sobrang lakas ng ulan. Madilim ang paligid at wala pang kuryente sa dorm. Sobrang naiiyak na ako at natatakot. Habang binabasa ko yung mga tweets dahil wala nga kaming TV dahil walang kuryente. Nakakatakot yung mga tweets dahil parang sinasabi nila na baka "ondoy" part 2. Ganun ganun. Tapos nag-sisimula na rin yung tweets sa pray for the philippines. Mararamdaman mo talaga na grabe na yung ulan at panahon. Lalo na sa amin dahil wala kaming kuryente ang dilim dilim. At isa pa naming naging problema ay kung paano kami kakain. Meron naman kaming mga canned goods at cup noodles pero hindi namin makain dahil nga walang kuryente. Hindi kami makasaing ng rice tapos hindi din kami makapag-init ng tubig. Sobrang hindi na namin alam kung anong gagawin namin. Kulang din ako sa damit dahil hindi natuyo yung laundry ko. 4 days at 3 Nights ko atang sinuot yung shorts ko e. Tapos natutuwa naman ako kasi ang dami talagang nag-tetext sa akin. Tinatanong kung "okay lang ba ako?" kung "kamusta na ako?" at "mag-ingat ako.". Mararamdaman mo na ang daming nag-aalala sa'yo. Pero naisip ko din sobrang swerte ko kasi hindi ako nababasa sa ulan. Meron akong tinutuluyan at meron akong kakainin sa araw na yun. Naiiyak din ako kasi nga naawa ako dun sa mga tanong walang tirahan at nasalanta ng baha. Ang dami ng pumasok sa utak ko. Habang palakas ng palakas ang ulan tumataas yung baha sa paligid. Parang feeling ko "end of the world" na kasi hindi lang pala sa metro manila malakas ang ulan pati na rin sa ibang parte ng Pilipinas. Sa sobrang takot ko naiiyak nalang ako at nag-dasal dahil alam ko naman na hindi niya papabayaan ang Pilipinas. Sobrang nag-aalala din ako sa pamilya ko sa Tarlac kasi sabi nila malakas din daw ang ulan dun. At natatakot nga ako dahil hindi ko sila kasama. Nabigla din ako na hindi pala bagyo ang dahilan ng ulan kung hindi habagat. Sobrang grabe lang yun pinsala na nagawa ng habagat na yan. Isang beses lang ako kumain sa araw nung martes. Yung "meal" talaga. Kaya sabi ko sa isip ko, kapag ako nakauwi ng probinsya, kakainin ko lahat ng masasarap at paborito kong food. Pero Thank you Lord pa din kasi nakakain ako nung araw na yun. Pero syempre hindi lang naman puro malungkot yung nangyari nung araw ng martes. Sobrang saya din  namin ng Team 4C dahil kung ano ano na talaga yung mga pinaggagawa namin para lang hindi mabored. Sobrang nagkaroon na kami ng bonding. Sa gitna ng kaguluhan ay nagagawa pa din namin tumawa. Yun ang Pilipino e. 


*Day 2: August 7,2012
No electricity. Boredom.
View from the roof deck of our unit. España Cor. P. Noval


At sa wakas kinabukasan, (miyerkules) ay nagkaroon na kami ng kuryente. Pero hindi pa din tumitigil yung ulan ng umaga, Sobrang gusto ko na talagang umuwi ng Tarlac. Pero hindi pwede kasi baha pa din sa labas. Mas naging maayos naman yung buhay namin nung miyerkules kesa nung martes dahil nga may kuryente na. Una naming ginawa ay nanood ng balita para malaman kung anong update sa panahon. Sobrang nalungkot ako para dun sa mga nasalanta ng baha. Grabe talaga. Yung mga nastucked sa loob ng bahay nila. Sobrang hayy. Ang sakit makita. Kaya sobrang thankful pa din ako. At dahil may kuryente na nanood nalang din kami ng "How I Met Your Mother" ni Clar. 


*Day 3: August 8, 2012
 How I Met Your Mother Marathon. Ted and Robin. 
Flood in front of our dorm.


At sa wakas dumating na ang Huwebes, dumating na din si haring araw na kinasasabikan ng lahat. Sobrang tagal ng ating hinintay at sa wakas siya na ay nag-pakita. Sobrang saya ko kaninang umaga ng ako'y magising dahil wala ng ulan at nandyan na ang araw. Pagbukas ko ng aking phone, sa wakas ay nilipat na ng aming dean ang aming prelims next week. At nag-aanounce na din na walang pasok bukas (Biyernes) at sa Sabado. Kaya naman dali dali akong nag-ayos ng aking gamit para umuwi ng probinsya. Nagkaroon ng konting problema dahil kahit wala ng ulan ay baha pa din sa may lugar namin pero buti nalang ay sinundo ako ng aking kaibigan at kami ay umuwi na ng Tarlac. Salamat ulit kay Lord kasi sobrang bilis ang biyahe at safe akong nakarating ng bahay. Sa wakas, makakainin na ako ng totoong pagkain.

Mahirap pero masaya ang mastranded ng 4 days at 3 nights. At dahil sa experience na ito isa na akong ganap na tomasino. Sabi kasi nila hindi ka tomasino kapag hindi mo pa nararanasan ang lumusob sa baha at mastranded. Sobrang dami kong natutunan sa pangyayaring ito. Sobra yung pasasalamat ko kay God dahil hindi niya ako pinabayaan sa pagsubok na ito. Ang dami ko din narealize. Ang swerte ko kasi hindi ako nasalanta ng baha at meron akong nakain at natuluyan. Grabe yung pagiging united ng mga Pinoy kapag sa mga ganitong sitwasyon. Saludo ako. Sobra yung pananalig natin. "The Filipino spirit is stronger than the rain." Kaya malalagpas din natin ang pagsubok na ito. Sobrang natuwa din ako dun sa Inmates na nag-donate nung meal nila sa mga flood victim. Ito yung nag-papatunay na "People Change."  Sobrang hindi ko talaga makakalimutan ang experience na ito. Pinagdarasal ko na sana hindi na maulit ang pagsubok na ito. Sabi nga ng Rivermaya may "Liwanag sa Dilim" at ang sabi naman ng South Border ay "There's a rainbow always after the rain". Malalagpasan din nating mga Pilipino ang pagsubok na ito. Bangon Pilipinas.

//Some photo's are from Clar's phone. 

No comments:

Post a Comment